Naghahanap ng Halloween costume? May suhestiyon sina Marlo, Lie ng 'UKG'

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 01:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Tatlong linggo na lang at Halloween na.

Marami na naman ang maghahanap ng costumes para sa mga pupuntahang Holloween party.

Sa Tandang Sora, Quezon City, pinuntahan nina Marlo Mortel at "Pinoy Big Brother: Otso" ex-housemate Lie Reposposa ang Pretty Duchess, kung saan makakabili ng mga cute at nakakatakot na costume.

Para sa mga bata, mabibili rito ang ilang traditional costumes na pang-Halloween tulad ng pirata, bampira at bruha sa halagang P600 hanggang P2,500.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.