ALAMIN: Ayos lang bang makipagrelasyon sa katrabaho?

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 02:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Hindi maiiwasan na ma-attract ang ilang empleyado sa katrabaho nila. 

Pero maipapayo nga bang makipagrelasyon sa co-workers? 

Ayon sa relationship expert na si Aileen Santos, makakaapekto sa "work-life balance" ng mag-partner ang pakikipagrelasyon sa iisang kompanya. 

Paliwanag ni Santos, nawawalan na ng oras ang mag-partner na pag-usapan ang ibang bagay bukod sa kanilang trabaho. 

"Ang may impact doon may tendency dahil nasa same company kayo, eh 'yung problema ng kompanya pinag-uusapan niyo sa bahay, so parang walang demarcation," ani Santos sa programang "Sakto" ng DZMM. 

May ibang kompanya na pinagbabawalan ang makipagrelasyon sa loob ng kompanya dahil dito, ayon kay Santos. 

Nilinaw din ni Santos na wala naman daw problema ang makipagrelasyon sa taong kaparehas ng trabaho o larangan. 

Pero para sa eksperto, mas mainam nang makipagrelasyon sa taong iba ang propesyon para mas umusbong ito. 

"Ang hirap na walang strength na naipapasok sa relationship. Same kayo ng strength same kayo ng weaknesses," ani Santos. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.