Trabahong malapit o sa gustong lugar, puwedeng makita sa Sharea

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2020 09:46 PM

Trabahong malapit o sa gustong lugar, puwedeng makita sa Sharea 1

MAYNILA — Sa panahon ngayon, kailangang kumayod nang maigi para patuloy na maitaguyod ang pamilya at maibigay ang mga pangangailangan nila. 

Pinahirap pa ang paghahanap ng trabaho o maski extra na pagkakakitaan ng mga komplikasyong dulot ng pandemya. 

Maaaring makatulong ang Sharea mobile app sa mga naghahanap ng trabaho o side job ngayon. 

Sa bulletin board ng Sharea, maaaring makita ang mga trabahong malapit sa lokasyon ng user, o sa mga preferred location. Dahil dito, mas magaan na kung ang setup man ay work-from-home o kailangang mag-report sa office paminsan-minsan. 

Trabahong malapit o sa gustong lugar, puwedeng makita sa Sharea 2

Makakatulong ito sa panahon ng pandemya. 

Bukod dito, maaaring makatipid sa mga gastusin gaya ng sa pagko-commute, at maaari nang mas maaga makapagpahinga, o may pagkakataong makapag-bonding kasama ang pamilya. 

Maaaring i-download ang Sharea mobile app sa https://bit.ly/DownloadSharea12201007a

*Sa ngayon, ang sakop pa lamang ng Bulletin Board ay ilang mga area sa Metro Manila, pero sa tulong ng mas maraming users, maaari pa itong lumawak.