Prutas na may mala-ahas na balat mayaman sa sustansiya

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2019 02:55 PM | Updated as of Oct 06 2019 03:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Ika nga nila, "don't judge a book by it's cover."

Patunay na marahil sa kasabihang iyan ang prutas na yantok na bagaman may hitsurang maihahalintulad sa balat ng ahas ay siksik sa sustansiyang nakabubuti sa kalusugan ng tao.

Tinatawag na exotic fruit ang yantok, na galing sa pamilya ng rattan, dahil sa mga kagubatan ito madalas tumutubo. Karaniwang may bunga ito mula Agosto hanggang Oktubre.

"Ang rattan fruit, kilala siya as very high in antioxidant. Isa siyang super food kasi it's very rich in vitamins and minerals," sabi ng culinary nutritionist na si Fia Batua.

Mayaman sa iron ang yantok na makatutulong para sa mga taong may anemya.

Mataas din ang taglay nitong beta carotene o Vitamin A na makatutulong sa paglinaw ng paningin.

Siksik din ang yantok sa Vitamin C.

"Ang mga Vitamin C-rich foods kasi, it's good for the skin and it also helps 'yong iron absorption sa katawan," ani Batua.

Nakatutulong din umano ang yantok sa pagbaba ng taba at kolesterol sa katawan.

Pero hindi raw dapat sumobra sa 5 piraso ng yantok ang makakain kada araw dahil maaari itong magdulot ng kahirapan sa pagdumi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.