RECIPE: Batchoy Tagalog with misua | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lifestyle
RECIPE: Batchoy Tagalog with misua
RECIPE: Batchoy Tagalog with misua
ABS-CBN News
Published Oct 04, 2018 11:55 AM PHT
Patok na patok sa mga Pinoy ang noodle dish na Batchoy Tagalog.
Patok na patok sa mga Pinoy ang noodle dish na Batchoy Tagalog.
Pero sa halip na gumamit ng egg noodles ay maaari kang gumamit ng misua noodles sa iyong Batchoy Tagalog, na mas magaan sa tiyan at bulsa.
Pero sa halip na gumamit ng egg noodles ay maaari kang gumamit ng misua noodles sa iyong Batchoy Tagalog, na mas magaan sa tiyan at bulsa.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ang guest kusinero na si Flo Trumbulo para ibahagi kung paano gawin ang Batchoy Tagalog with misua.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ang guest kusinero na si Flo Trumbulo para ibahagi kung paano gawin ang Batchoy Tagalog with misua.
Narito ang mga sangkap:
• 1/4 kilong atay ng baboy
• 1/4 kilong laman ng baboy
• Misua
• 1 pirasong puting sibuyas
• 3 butil na bawang
• 2 kutsarang patis
• Paminta
• 1 maliit na luya
• 1 pirasong dahon ng sibuyas, hiniwa
• Asin
• Mantika
• 5 tasa ng tubig
• 1/4 kilong atay ng baboy
• 1/4 kilong laman ng baboy
• Misua
• 1 pirasong puting sibuyas
• 3 butil na bawang
• 2 kutsarang patis
• Paminta
• 1 maliit na luya
• 1 pirasong dahon ng sibuyas, hiniwa
• Asin
• Mantika
• 5 tasa ng tubig
ADVERTISEMENT
Para sa garnish:
• 1 tali ng hiniwang dahon ng sibuyas
• Pritong bawang
Para sa garnish:
• 1 tali ng hiniwang dahon ng sibuyas
• Pritong bawang
Paraan ng pagluluto:
Sa isang kaserola, magpainit ng mantika at ilagay ang sibuyas, bawang at luya.
Sa isang kaserola, magpainit ng mantika at ilagay ang sibuyas, bawang at luya.
Ilagay ang laman ng baboy at lutuin ito sa loob nang 2 hanggang 3 minuto.
Ilagay ang laman ng baboy at lutuin ito sa loob nang 2 hanggang 3 minuto.
Maglagay ng 5 tasa ng tubig at hintaying kumulo.
Maglagay ng 5 tasa ng tubig at hintaying kumulo.
Ilagay ang atay ng baboy at pakuluan sa loob nang 3 hanggang 5 minuto.
Ilagay ang atay ng baboy at pakuluan sa loob nang 3 hanggang 5 minuto.
Lagyan ng patis.
Lagyan ng patis.
Maglagay ng asin, paminta at misua. Lutuin sa loob ng 1 hanggang 2 minuto
Maglagay ng asin, paminta at misua. Lutuin sa loob ng 1 hanggang 2 minuto
Kapag luto na, lagyan ng pritong bawang at dahon ng sibuyas
Kapag luto na, lagyan ng pritong bawang at dahon ng sibuyas
Maaari nang ihanda ang Batchoy Tagalog with misua.
Maaari nang ihanda ang Batchoy Tagalog with misua.
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Umagang Kay Ganda
recipe
healthy recipes
affordable meals
batchoy
pinoy dish
batchoy tagalog
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT