TFC News

Pinoy vegan resto sa Barcelona nangunguna sa restaurant ranking

Sandra Sotelo | TFC News Spain

Posted at Oct 02 2023 07:11 AM

BARCELONA - Patok sa panlasang Pinoy ang isang vegan restaurant na pagmamay-ari ng isang Pinoy sa Barcelona, Spain.

Palaging nangunguna sa Trip Advisor restaurant ranking ang Desoriente Vegan restaurant sa Poble Nou sa Barcelona, Spain. Dinudumog ng mga lokal at turista ang exotic flavors sa kanilang special menu.

Tubong Pangasinan ang may-ari ng restaurant na si Clifford Ubaldo. Siya rin ang pinaka-imahe at head chef ng restaurant.

1
DesorienteVegan

“Nung dumating ako dito sa Barcelona, nagsimula rin ako as a kitchen helper. May nagturo sa akin na Hapon kung paano ang tamang procedure ng paggawa ng sushi hanggang sa nakapagtrabaho ako sa mga kilalang restaurant,” sabi ni Chef Clifford.

‘Asian Fusion’ na may patok na artistic presentation ang alok ng vegan restaurant.

2
DesorienteVegan

“Yung main product kasi ng restaurant na yun ay burger, vegan burger siya. Tapos yung ginawa kong sushi na yun, naging bestseller nila, so sabing ganyan, Cliff bakit hindi kaya tayo gumawa ng menu, Asian fusion na concept na vegan? So ayun, nakipag sosyo ako sa kanya,” paliwanag ni Chef Clifford.

2
DesorienteVegan

Patok din ang Pinoy at Indian fusion gaya ng Tikka Massala Bao.

“Pinag-combine ko yung Tikka Masala ng India at saka Siopao ng Pilipinas,” sabi ni Chef Clifford. “Para siyang siopao, suave, masarap kahit wala siyang karne,” sabi ni Carolina Florendo, Pinoy customer.

“It was amazing, it was really nice. I love the dessert, absolutely fantastic,” sabi ni Daniel Punt, tourist/ customer.

3
DesorienteVegan

Bestseller din ang Oishi Broccoli pati meat lovers, nagugulat sa sarap nito.Number one dessert nila ang Passion Fruit and Mango Lassi Mousse.

“I love the Pad Thai, had this sour mat and there were carrots as well. My favourite thing was also the Mango thing, the dessert,” sabi ni Anna Nowak, tourist/ customer.

Hindi lang ang Trip Advisor ang bilib sa restaurant ni Chef Clifford, maging ang mga turista.

“We’re getting a lot of feedback on Trip Advisor, and it’s super nice because people are really enjoying the food,” sabi ni Carolina Ruiz, staff, Desoriente Vegan.

4
DesorienteVegan

“Nakakatuwa kasi sa loob ng 1 taon, 6 na buwan, ang taas na ng rank namin sa TrIp Advisor, ang dami nang pumupunta. Yung goal talaga namin, sumobra,” sabi ni Chef Clifford.

Aminado naman ang staff ng restaurant na importanteng sangkap sa tagumpay ng restaurant ang pagiging Pilipino ni Chef Clifford.

“I think it’s very important that Cliff for the fact that he comes from Filipinas, from Asia, brings real value to the restaurant because we do fusion. He brings perfect ideas about products that we don’t normally use here,” sabi ni Xavier Fernandez, Station Chef, Desoriente Vegancook, Desoriente Vegan.

“Pinangarap ko talaga na magkaroon pero hindi ko akalain na magkakaroon ako ng restaurant dito sa Barcelona. Talagang sipag at tiyaga lang,” dagdag ni Chef Clifford.

5
DesorienteVegan

Sa kabila ng tagumpay ni Chef Clifford, hindi siya tumitigil sa pagpapalago ng kaalaman para lalo pang lumawak ang tagumpay ng restaurant.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.