DOHA - Bigay todo sa pagkanta ang aspiring Pinoy singers sa The Royal Clash Season 2 sa Doha.
“Nakakakaba dahil world class talent yung mga sumali dito, starting season 1, season 2 kakaibang trend ng mga Pilipino,” sabi ni Jonar Paz, CEO, Royal Sports and Events.
Mula sa 25 na lumahok, 15 contestants ang umabante sa finals kung saan naglaban-laban sila sa iba-ibang round.
Itinanghal na grand champion sa The Clash Season 2 si Arianne Sayegh na isang Filipino-Lebanese.
“It was amazing, in fact I joined this competition to make my debut in the Filipino community but I didn’t expect that a lot of people would come to support and help me,” sabi ni Sayegh.
Payo niya sa mga sasali rin mga singing contest, ilabas ang kanilang natatagong galing.
“Don’t be afraid to unleash that inner diva that you’ve been hiding, don’t be afraid,” dagdag ni Sayegh.
Nag-uumapaw sa pasasalamat si Sayegh sa suporta ng kanyang mga magulang at supporters.
“I would like to thank everyone for supporting me. They gave me the courage in order to come to the stage,” dagdag ni Sayegh.
Samantala, tinanghal na first runner-up si Kelvin Sarmiento at second runner-up naman si Camilo Villarante. Ginawaran ng People’s Choice Award si Unica de Vera.
Tuwang-tuwa ang mga organizers sa matagumpay na patimpalak ng Pinoy talent.
“Napaka-smooth ng aming program, and then lahat masaya, walang malungkot kasi lahat deserving,” dagdag ni Paz.
Ang mga singing contest sa Qatar tulad ng The Royal Clash ay paraan din para mahasa at maibida ang galing mga Pilipino pagdating sa kantahan.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Qatar, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO: