Bahay sa Lanao del Norte, ginawang tirahan ng mga ibon

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2019 12:44 AM

Libo-libong ibong balinsasayaw ang nakikitira sa bahay ng pamilya ni Ellen Bañez sa Lanao del Norte.

Taong 2007 nang unang patuluyin ni Ellen ang dalawang balinsasayaw sa kaniyang bahay matapos masaktan nang mabagsakan ng buko.

Hindi nagtagal, dumami na nang dumami ang mga ibong nakikitira sa bahay nila.

Itinuturing na suwerte ng pamilya ni Ellen ang pagtira ng mga ibon sa kanilang bahay.

Hindi nagtagal, nakapagpatayo ng extension ng bahay si Ellen. Ngayon, ang mga ibon na lamang ang nakatira sa dating sala ng bahay nina Ellen.

Watch more in iWant or TFC.tv