VIRAL: Alex Gonzaga, nag-tour sa bahay ng mayor ng Gapan, Nueva Ecija | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: Alex Gonzaga, nag-tour sa bahay ng mayor ng Gapan, Nueva Ecija

ABS-CBN News
Published Sep 29, 2020 07:34 PM PHT

Trending ngayon sa Internet ang pinakabagong house tour ng aktres na si Alex Gonzaga.

Dumalaw si Gonzaga sa bahay ni Emeng Pascual, ang mayor ng Gapan, Nueva Ecija na nag-viral noong mga nakaraang buwan dahil sa kanyang ayuda na isang sakong bigas at buhay na manok sa bawat pamilya sa siyudad sa panahon ng pandemya.

Suot ang personal protective equipment, face mask, at face shield, nilibot ng vlogger ang lumang bahay na itinayo pa noong 1925.

"So 95 years old na siya," ani Pascual, na sinabi ring halos wala silang ginalaw sa materyales at istruktura ng kanilang tahanan.

Ipinakita ni Gonzaga sa kanyang mga manonood ang kusina, sala, at mga silid-tulugan ng bahay ni Pascual, pati na rin ang mga koleksiyon ng mayor ng Gapan ng iba't ibang mga lumang kagamitan.

Ilan sa mga ito ay mga makina ng sasakyan na ginamit ng Amerikanong heneral na si Douglas MacArthur noong World War II, at gamit para sa pangangabayo ng dating pangulong Ramon Magsaysay.

"Masyado niyo na akong pinabibilib," ani Gonzaga, na pabirong inalok na iwanan ang kanyang pulseras para maging bahagi ng koleksiyon ni Pascual.

Kita rin ang biskleta ng lolo ni Pascual na kanyang pinaayos, pati na rin ang gumagana pang lumang turntable at traffic light.

Mayroon din siyang koleksiyon ng mga lumang plaka ng sasakyan na naka-display sa isang bahagi ng kanyang "man cave."
Mayroon din siyang koleksiyon ng mga lumang plaka ng sasakyan na naka-display sa isang bahagi ng kanyang "man cave."
ADVERTISEMENT
Matapos ang kanilang house tour, pinuri ni Gonzaga si Pascual sa kanyang mga nagawa para sa mga mamamayan ng Gapan, at sinabing kilalang-kilala siya sa social media dahil sa kanyang mga proyekto ngayong quarantine.

"Sa Facebook sikat daw kayo kasi natutuwa raw sila," kuwento niya. "Lalo na sa pandemic, sa ginawa niyo dahil nabigyan niyo raw ng isang kabang bigas ang mga tao rito."

Bilang "gantimpala" para sa mayor, nagbigay ang aktres ng mga supot ng ayuda na may pagkain, bagay na ikinatawa ng lahat ng taong nakikita sa camera.

"Mayor, natutuwa ako. Baka dito na ako lumipat," ani Gonzaga.

Sagot naman ni Pascual: "Yes, sige welcome ka rito."
Sagot naman ni Pascual: "Yes, sige welcome ka rito."
ADVERTISEMENT
Sa dulo ng vlog, ipinakita na nagbalik si Gonzaga sa Gapan kasama ang kanyang ateng si Toni, at ang komedyanteng si Melai Cantiveros.

Nitong Martes, naging number one sa trending videos ng YouTube sa Pilipinas ang vlog ni Gonzaga.