PatrolPH

'Money personality' ng magulang nagagaya ng mga anak: eksperto

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 03:09 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Mahalagang maging modelo ang mga magulang sa anak pagdating sa pagba-budget ng pera dahil kalaunan ay madadala niya ito pagtanda, ayon sa isang eksperto. 

Ayon sa financial journalist na si Salve Duplito, sa magulang dapat unang natututunan ng anak ang wastong paghawak ng pera. 

Tumatatak kasi aniya sa bata ang "money personality" ng magulang.

"]Dapat natututunan mo 'yan hindi sa school talaga. Dapat sinisimulan iyan sa loob ng bahay. Hindi sa pagsesermon. Yung nakikita mong [nagtitipid] 'yung magulang mo," ani Duplito. 

Para maturuan ang anak sa paghawak ng pera, maaaring isali ito sa pagdedesisyon. 

"Minsan 'yung mga bata na lumaki sa katotohanan, na kasama sila sa pagdedesisyon ng mga magulang, sila ang nagiging successful eventually," ani Duplito. 

Dapat ding hayaan ng magulang ang bata na mag-isip kung paano niya bina-budget ang kaniyang gagastusin. 

"Bibigyan mo ng pera ang bata tapos siya ang mag-iisip ng strategy kung kasya ang bibilhin niya sa ganito, ganiyan," ani Duplito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.