‘Lampara ng Pag-asa’ na dinidisenyo ng mga inmate sa Naga, ibinibida

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2020 12:54 AM

Ang mga inmate o persons deprived of liberty (PDL) ay nanawagan na bilhin ang kanilang mga dinisenyong lampara. Mula kay Karren Canon

NAGA, Camarines Sur - Ilang mga inmate o persons deprived of liberty (PDL) ang naghahanda na para sa Pasko sa pagdidisenyo ng mga iba't ibang klase ng lampara.

Nagpakita ng iba't ibang disenyo ng "Lampara ng Paglaom (Pag-asa)", na gawa sa plastic na tubo o PVC, ang mga PDL ng Naga City District Jail.

Ayon kay Jail Officer 1 Glen Climaco, livelihood officer ng Naga district jail, napanood lang nila sa YouTube kung paano gumawa ng mga lampara.

"Bumili kami ng tools. Nagkataon din na may mga skilled na PDL. Actually nagsimula ito sa tatlo lang na PDL," aniya.

Noong 2017 sinimulan ang livelihood project na ito para sa mga PDL sa naturang bilangguan para maging produktibo ang kanilang oras at kumita kahit nasa loob ng piitan.

Umaasa ang mga PDL na tatangkilikin at susuportahan ng publiko ang mga lampara na kanilang gawa na nagbibigay liwanag at pag-asa para sa kanila para patuloy na makapag-bagong buhay.

"Nananawagan po kami na tangkilikin ang produkto ng mga PDL kasi hindi lang ito para sa kanila. Para ito sa pamilya nila lalo na ngayong may pandemic," ani Climaco.

Ngayong Setyembre, karamihan sa kanilang mga ginawa ang mga lampara na may mukha ni Nuestra Senyora de Peñafrancia kaugnay ng pagdiriwang ng kapiyestahan nito ngayong buwan.

Pero pakatapos nito, sisimulan naman nilang gumawang mga lamparang pang Pasko at iba pa na ibibenta nila sa halagang P800 hanggang P1,200.

Magtatampok din sila sa e-trade fair ng kanilang mga produkto kaugnay ng pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week kung saan pwede ng makapamili at makabili online ng kanilang produkto. -- Ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.