BERLIN - Iba´t ibang klase ng Philippine Folk dances gaya ng Kunday-Kunday, Pag-agir, Arigay, Pukol, War dance at Tinikling ang ipinamalas ng mga batang Filipino-German sa Benefit and Cultural Heritage Night na taunang ginaganap ng grupong Bol-anon.
Higit tatlong dekadang nagsusulong ng kulturang Pilipino sa Germany. Nahinto lang ito dahil sa pandemya.
“Tuwang-tuwa ako kasi pini-feature nila ang Filipino dance. Alam mo naman na napaka-rich ng ating culture and dances tells our stories as a nation and as a people,” sabi ni Ambassador Irene Susan Natividad.
Bagamat mas mahirap umano na turuan ang mga kabataan ngayon, ‘di sumusuko ang founder ng grupo na si Veronica Boensch. Siya rin ang nagtatahi ng makukulay na kasuotan ng performers.
“Every generation has a different character. Most of them are pure Filipino parents and the second generation, the father is German and the other is Filipina now most of their parents are Filipinos, and most of them were born here in Germany. So I want to tell them what are their roots. What is our heritage so that they will know the Philippine folk dance,” sabi ni Veronica Boensch, Founder, Club Bol-anon Berlin.
Isa ang TFC News correspondent na si Grace Pickert sa pioneer performer ng grupo. Marami siyang natutunan sa kulturang Pinoy sa pagiging bahagi ng performing group. Kaya ang anak niyang si KC naman ang ipinasok niya para mag-perform.
“Kasi kapag ganyang mga kabataan hindi mo pa maa-appreciate, so ‘yun yung naramdaman ko noon, but now, alam mo, parang it brings back good memories and at the same time yung history natin, somehow. Yung mga kabataan yung mga nangyayari sa kanila vung mga na-e-experience nila one day maa-appreciate nila yan,” sabi ni Grace Sheela Pickert, Pioneer, Filipiniana Dance Group Berlin.
Napahanga din ang lahat sa mga awiting Pinoy na inihandog ng mag- asawang dating miyembro ng UST singers. Isa rin ang kanilang anak sa mga batang sumayaw.
“Masaya kami parang we´ve come full circle na ngayon anak naman namin yung kasamang nag-perform natutuwa kami na nakikita siya na masaya sa ginagawa niya, ‘di kasi siya aware kung ano yung mga ginagawa nila pero we explain kung ano yung theme ng sayaw nila like ano yung tinikling,” sabi ni Jomar at Myls Rubios.
Mahigit tatlong dekada nang isinusulong ang kulturang Pinoy ng Bol-anon group sa pamamagitan ng sayaw. Kasabay nito ang charity fundraising para makatulong sa mga kababayan sa Pilpinas.
Mga natulungan ng charity fundraising sa Pilipinas
Mga natulungan ng charity fundraising sa Pilipinas
Ang hamon daw ngayon sa mga kabataan ay kung paano nila mapapanatili at maigpapatuloy ang adhikain at tradisyong sinimulan ng grupo sa Germany.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababaya sa Germany, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.