Mga Boy Scouts na nag-viral sa social media, ipinakita ang galing sa 'GGV'

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2019 12:27 AM | Updated as of Sep 23 2019 02:39 PM

Nagpakitang gilas sa "Gandang Gabi Vice" nitong Linggo ang magkaibigang sina Dave Salvador at Renz De Leon mula Isabela.

Nauna nang nag-viral sa social media ang bidyo ng dalawa na sumasayaw habang nakasuot ng kanilang Boy Scouts uniform.

Ayon sa dalawa, naging magkapareha sila sa pagsayaw dahil wala silang mga babaeng makakapareha sa kanilang grupo.

Watch more in iWant or TFC.tv