Muslim-friendly meals ibinida sa cooking challenge sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 01:58 PM | Updated as of Sep 22 2019 02:42 PM

Okoy kalabasa. Kuha ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Mga Muslim-friendly meal ang inihanda ng mga chef na lumahok sa ika-6 na cook-off challenge na inorganisa ng Hotel and Restaurant Association in Pampanga (HARP) sa San Fernando City, Pampanga noong Biyernes.

Halal-certified na products ang ginamit na mga sangkap sa mga inihandang ulam sa event, na bahagi rin ng paghahanda para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

"[Sa] upcoming SEA Games, majority of our guests will be Muslim so kailangan i-promote din natin na we have halal products here," ani HARP 2019 president Fatima Orfinada.

Fresh lumpia. Kuha ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Indian curry lamb mutto. Kuha ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Irish canapes. Kuha ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

"When it is religious Muslims, they need halal foods. Mas gusto niyang 'di makakain kaysa makakain ng hindi halal," sabi naman ng halal certifier na si Alexander Sultan.

Ilan sa mga inihandang potahe ay okoy kalabasa, chicken inasal with pansit habhab, mushroom kinilaw, adobo, pansit panada, at kinilaw na dilaw.

Ayon naman sa Halal International Chamber of Commerce and Industries of the Philippines, nakaproseso na ang halal certification ng ilang hotel at restoran na miyembro ng HARP bilang paghahanda na rin para sa 2019 SEA Games.

-- Ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.