Catriona Gray hinirang na 'Woman of the Year' sa Dubai

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 01:12 PM

Hinirang na "Woman of the Year" ng isang magazine sa Dubai si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Pinarangalan si Gray ng Xpedition Magazine sa isang seremonya sa Dubai na dinaluhan ng mga miyembro ng royal family, government officials at iba pang sikat na personalidad sa United Arab Emirates.

Bukod sa pagtanggap sa award, nasa Dubai rin si Gray para sa isang charity event ng Smile Train, isang organisasyong nagbibigay ng corrective surgery sa mga batang may cleft lip at palate.

Sa kaniyang talumpati, iginiit ni Gray na hindi naman kailangan ng titulo o korona sa paglahok sa mga mabuting gawain para sa komunidad.

"Thank you so much for this honor for recognizing the work that I do, for my different cause groups and it is really a fulfilling job that I do," ani Gray.

"Every time I get the opportunity I always want to tell people that you do not need a title or a crown or a position or a certain platform to be able to do good work and get involved in your community," aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on

Pinuri rin ni Troy Reinhart, vice president of development sa Smile Train, si Gray dahil sa tulong nito sa kanilang organisasyon.

"Catriona has already been great to us. She visits our program in the Philippines," ani Reinhart.

"It’s her exposure in social media, has been great to us because every time she posts about us, her reach is so vast that people find out that there’s a surgery exists."

-- Ulat ni Bryan Villacarlos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.