Mga katutubong sayaw ng Pilipinas, ibinida ng Pinoy dance group | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga katutubong sayaw ng Pilipinas, ibinida ng Pinoy dance group

Joefer Tacardon | TFC News United Kingdom
Published Sep 21, 2023 11:05 PM PHT

LONDON- Mula sa kabundukan, hanggang sa kapatagan, saan mang sulok ng Pilipinas, may maipagmamalaking sining at kultura. Ito ang pinatunayan sa Tibok, isang cultural dance extravaganza na ginanap sa The Cockpit sa London.

Bahagi ang pagtatanghal ng selebrasyon ng ika- dalawampu’t siyam na anibersaryo ng UK- based performing group na Lahing Kayumanggi Dance Company.

Nagpasiklab din ang Philippine Barangay Folk Dance Troupe bilang bahagi ng kanilang UK Cultural Dream Tour at ika-77 anibersayo.

“Importante talaga na ma-showcase natin ang ating kultura, kasi minsan nawawala na siya lalo na ngayong digital era. So, it’s nice to look back and give that kind of importance and embrace the culture para madala pa rin natin sa future,” sabi ni Ronnie del Barrio, Artistic Director ng Lahing Kayumanggi Dance Company.

ADVERTISEMENT
Naipamalas ang sayaw ng mga Igorot, katutubong indak ng mga Manobo gaya ng Dugso at Binanog. At ibinida ang kulturang Muslim sa pagtatanghal ng Sua-Sua, Singkil at iba pang Moro dances.

Ibinida rin sa Tibok ang ilang sayaw sa mga kanayunan gaya ng Pandang Pandang, Binasuan at Tinikling. Namangha ang mga nanood sa husay ng mga nagtanghal at sa yaman ng kultura ng iba-ibang pangkat mula sa mga kapuluan ng Pilipinas.

“The performance was absolutely stunning. I have seen the energy and the vibrancy of the group,” sabi ni Margaret Healy, nanood.

“Everything is just perfect, their costumes, their dance routines. Ang ganda ng project, that they should show this because it shows talaga what the Filipino is all about. Our culture is so rich, it’s so diverse," sabi ni Maria Lourdes Locsin, maybahay ni Ambassador Teodoro Locsin.

Maliban sa London dumayo rin sa iba pang panig ng England and Tibok para mag-perform. Nagpabilib din ang Lahing Kayumanggi Dance Company at ang Philippine Baranggay Folk Dance troupe sa Billingham International Folklore Festival of World Dance sa UK nitong Agosto.

Umaasa ang mga mananayaw na sa bawat pag-indak nila ay mas sisigla pa ang pagtibok ng kulturang Pinoy saan mang panig ng mundo.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT