Dapat bang bigyan ng second chance ang 'abusadong' partner?

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2019 07:33 PM | Updated as of Sep 22 2019 04:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — May iba't ibang uri ng pang-aabuso na itinuturing na "red flag" sa isang relasyon - pisikal man ito o emosyonal.

Pero kung mabiktima nito, dapat bang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang partner?

Ayon sa motivational speaker na si Marianne Mencias, mas mainam nang lumayo sa partner sa pagkakataong makakita ng red flags.

Mas mahihirapan na kasing makaalis sa mapang-abusong relasyon kapag hindi agad nakita ang mga red flag, lalo na kung mahina ang kumpiyansa sa sarili.

"Kapag mga addictions o kaya abuse, any kind of abuse, you need to have a distance from the person kasi kailangan mong mahalin 'yung sarili mo in a healthy way," ani Mencias sa programang "Sakto" ng DZMM.

"Kasi kung nakikita niyang hindi mo pinahahalagahan ang sarili mo, puwede niyang ulitin," dagdag niya.

Babala pa ni Mencias, kung hindi tuluyang maiwanan ang mapang-abusong partner ay mas lalong lalalim ang pinsala nito sa emosyon ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.