KILALANIN: Pinoy designers na bumida sa London Fashion Week

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2017 11:17 PM | Updated as of Sep 21 2017 01:29 AM

Tampok ang mga obra ng ilang Filipino designer sa London Fashion Week (LFW) para sa Spring/Summer 2018 Collection.

Kabilang ang ilang Pinoy sa hanay ng designers sa ilalim ng House of iKons.

Unang beses sasabak ng Dubai-based designer na si Jef Albea sa LWF.

Handog naman ni Mitch Desunia ang 23-piece na koleksiyon sa kaniyang muling pagtatanghal sa LFW.

Nakipagtulungan si Desunia sa Moxie Amsterdam, isang Filipino shoe line.

Nagsilbing grand finale ang koleksiyon ni Desunia.

Bukod sa kanilang brand, nais din ng Filipino designers na ipakilala ang galing ng Pinoy sa buong mundo.

Binansagang "The Fashion Show That Cares" ang pagtatanghal ng House of iKons dahil sa pagsuporta nito sa mga kawanggawa.

Mapupunta sa mga biktima ng domestic violence ang nalikom na pondo nitong fashion show.

-- Ulat ni Rose Eclarinal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.