FRANKFURT - Bilang paghahanda ng Philippine Consulate General sa Frankfurt sa magiging papel ng Pilipinas bilang Guest of Honor Country sa darating na Frankfurt Book Fair sa 2025 nagkaroon ng book launching event ang konsulado para sa Filipino graphic novella na pinamagatang “Barcelona,” na akda ng pamosong book author na si Criselda Yabes.
PCG Frankfurt
Nakatakdang i-release ngayong buwan ang “Barcelona” na tungkol sa isang babaeng lider na nagsisilbing gabay ng isang grupo ng mga ulilang bata sa Maynila sa taong 2050.
Laman ng libro ang samu’t saring pagsasalarawan tungkol sa social issues, climate change, military conflicts, feminism, kasaysayan, heograpiya at iba pang isyung posibleng kaharapin ng Pilipinas sa mga susunod na dekada.
Sa book launch, ipinaliwanag ni Yabes ang mga pangunahing tema at isyung nakapaloob sa nobela.
“So this book is basically about how I would like our country to change given the chance. "Barcelona" becomes a point of reference, would she stay? Because she’s so used to it, or is she willing to come to the unknown future?", sabi ni Yabes.
Nagkaroon din ng open forum na dinaluhan ng mga literature enthusiast. Dito natuklasan nila ang yaman ng patinikang pamana ng Pilipinas at pagiging malikhain ng mga manunulat na Pilipino tulad ni Yabes.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.