PatrolPH

Anong pagkain ang dapat iwasan para mabawasan ang timbang?

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2017 11:02 PM

Ano-anong mga pagkain ang dapat iwasan ng mga taong nagbabawas ng timbang?

Ayon kay Dra. Bles Salvador, kailangan ng katawan ng 1,500 hanggang 1,800 kilocalories araw araw.

Para naman sa mga gustong magbawas ng timbang, kailangan lamang ng mula 1,200 hanggang 1,500 kilocalories.

"Kung tayo naman po ay nagdi-diyeta, o gusto nating medyo mabawasan ang ating timbang, dapat mas kakaunti ang calories na pumapasok sa ating katawan," ani Salvador.

Dagdag pa ni Salvador, mas mainam na kumain ng mga pagkaing mabigat sa tiyan para mas matagal bago magutom.

"Doon na lang po tayo sa mga mas mabigat sa tiyan kasi mas matagal kayo na magugutom at lesser ang inyong kakainin," paliwanag niya.

Iwasan rin umano ang mga pinritong pagkain at mga ulam na mamantika.

"Isa sa mga mabibigat at nagbibigay ng napakaraming calories ay 'yung mga fried, mga pinirito at saka 'yung mga chips, lalo na po 'yung mga ulam na mamantika at maraming karne," ani Salvador.

Ayon kay Salvador, mabuting alamin ang katumbas na calories ng mga pagkaing madalas kainin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.