PatrolPH

Anak naluha sa laman ng itinagong ang pao ng namayapang ina

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2021 05:31 PM

Larawan mula kay Mica Tubino.
Larawan mula kay Mica Tubino.

Hindi naiwasang maluha ni Bayan Patroller Mica Tubino matapos madiskubre ang mensahe sa mga itinabing ang pao ng kanyang namayapang ina. 

Imbes na pera, laman nito ay papel na nakasulat ang kanyang dasal o hiling para sa pamilya: na sana ay lagi silang ligtas sa anumang kapahamakan, makatapos sa pag-aaral ang kanyang mga anak, at magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Kwento ni Tubino, pumanaw ang kanyang ina sa edad na 50 nitong Hulyo 13, dahil sa breast cancer. 

 

“Gusto ko rin po kasi na ibahagi sa ibang tao na, kahit nawalan tayo ng mahal sa buhay ay patuloy tayong bumangon sa araw-araw, patuloy tayong lumaban, at ipakita na kaya natin maging matatag anumang pagsubok ang dumating sa atin,” aniya. 

Nangako rin si Tubino na sa abot ng kanilang makakaya ay sisikapin nilang matupad ang ilan sa pangarap ng kanilang nanay para mapasaya nila ito maging sa kabilang buhay.

—Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, i-Patrol Mo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.