Babaeng buto't balat sa Leyte, nangangailangan ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2018 11:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Halos buto't balat ang pangangatawan ng 17-anyos na si Gennalyn, residente ng Mayorga, Leyte.

Kumalat sa social media ang larawan ni Gennalyn matapos itong i-upload ng isang social worker, na nag-alala sa kalagayan niya.

Ayon sa kaniyang inang si Glenda Dominguilles Palaña, 2007 niya huling dinala sa ospital ang kaniyang anak dahil sa mataas na lagnat.

Inaatake ng kombulsiyon at nagkakaroon pa rin ng mataas na lagnat si Gennalyn. Nagpatuloy na rin ang pagbagsak ng kaniyang timbang.

Ayon sa mga doktor, maaring nagkaroon ng meningitis si Gennalyn noong 2007 hanggang sa nauwi ito sa severe acute malnutrition.

Matapos ang 11 taon, ngayon na lamang ulit nadala sa ospital sa Gennalyn. Ayon sa kaniyang mga magulang, kapos sila sa pera para madala siya sa ospital, na malayo rin sa kanilang bahay.