Paano nga ba makakatulong sa Bantay Bata 163 ang ABS-CBN Ball 2019?

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 11:52 AM | Updated as of Sep 12 2019 07:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Magaganap na ngayong Sabado, Setyembre 14, ang inaabangang ABS-CBN Ball 2019.

Ang pagtitipon ay isang malaking pagkakataon para sa mga naglalakihang bituin ng Kapamilya network na makapag-abot ng tulong sa Bantay Bata 163.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes, ibinahagi ni Jing Castañeda, program director ng Bantay Bata 163, kung paano nga ba nakakatulong ang inaabangang pagtitipon sa Bantay Bata 163.

"'Yung pinaka-pinakaimportante ay 'yung publicity, hindi ba? 'Yung media mileage na naibibigay nung ating event. Marami na kasi sa mga bata ngayon medyo hindi na kasing kilala 'yung Bantay Bata kumpara sa henerasyon natin. So 'yung fans nila kapag nakikita 'yung kanilang idolo na nagti-tweet, nagpo-post sa Facebook o rumarampa sa red carpet at binabanggit na tumulong sa Bantay Bata at ang Bantay Bata ay para sa mga batang nangangailangan ay malaking bagay na 'yon sa amin," ani Castañeda.

"Siyempre lalong napapaalala 'yung 163, 'yung hotline ng Bantay Bata. 'Yun kasi ang takbuhan, ang tinatawagan ng mga batang nangangailangan o 'yung mga pamilya nila kapag may kailangan ng tulong. Hindi lang kung nagre-report ka ng pang-aabuso, kung hindi kung may kailangang tulong pinansiyal o medikal o scholarship o sa anumang pangangailangan ng mga bata, puwede pong tumawag sa 163," dagdag ni Castañeda

Watch more in iWant or TFC.tv

Para sa taong ito, mapupunta sa Bantay Edukasyon, isang programa ng Bantay Bata 163, ang malilikom na donasyon mula sa ABS-CBN Ball.

"Ito 'yung scholarship program nung mga batang nandoon sa ating Children's Village," ani Castañeda.

Maliban sa pagtulong sa Bantay Bata 163, bibigyang pugay din sa ABS-CBN Ball 2019 ang yumaong si Gina Lopez. 

"Ang medyo unique dito sa ating ABS-CBN Ball 2019 ito ay magsisilbi ring tribute kay Gina Lopez, ang founder ng Bantay Bata. Noong mga nakaraan pinag-uusapan natin ang kanyang advocacy for the environment, dito naman ang advocacy niya for children, 'yun naman ang ating ibibida," ani Castañeda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.