PatrolPH

Paggawa ng mga robot mula scrap materials, libangan ng lolo sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2021 01:55 PM

Larawan mula kay Romy Carlos Pascual
Larawan mula kay Romy Carlos Pascual

Kakaibang libangan ang naisip ni Bayan Patroller Romy Carlos Pascual, 70, mula sa San Pedro City, Laguna habang may pandemya. 

Kwento niya, nagsimula siyang gumawa ng mga robot mula sa recycled materials gaya ng sirang electric fan noong Marso 2020. 

Mahilig kasi siyang magbutingting ng mga sirang gamit at nanghihinayang itapon ang mga sirang electric fan.

Gumagamit din siya ng lumang PVC pipes at plastic containers sa paggawa ng robot na kadalasang umaabot ng isang linggo bago mabuo. Tanging bumbilya lang ang binibili niyang parte ng bawat robot.

“Gusto ko 'yung palagi akong may ginagawa, ayoko nang stagnant kasi matanda na ako... Basta kaya ko pa gawa lang ako nang gawa,” aniya. 

Sa ngayon, may 4 na robot nang naka-display sa harap ng bahay nina Lolo Romy, kung saan nagpapa-picture ang maraming nakakapansin.

—Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, i-Patrol Mo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.