TIPS: Paano piliin kung sino ang mga reregaluhan sa Pasko

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2019 05:07 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Ika nga ng marami, "season of giving" ang Kapaskuhan.

Kaakibat nito ang pagbili ng mga regalo, na kumakain sa malaking bahagi ng budget ng isang mamimili.

Ayon sa financial adviser na si Armand Bengco, mainam na gumawa ng listahan ng mga bibigyan ng regalo.

Kasama dapat dito ang mga dahilan o paliwanag kung bakit bibigyan ng regalo ang isang tao.

Kung maaari aniya, huwag magbigay ng regalo kung napipilitan lang.

"Kasi minsan lahat na lang nireregaluhan. Hindi mo alam kung bakit," ani Bengco sa programang "Sakto" ng DZMM.

Kung maaari, dapat Setyembre pa lang ay buo na ang listahan ng mga reregaluhan sa Pasko, ayon kay Bengco.

Maaari rin aniyang mag-recycle ng mga natatanggap na regalo kung talagang nagtitipid.

TIPID TIPS

Bukod dito, nagbahagi pa ng ibang tips si Bengco para makatipid.

Mungkahi niya, December 26 pa lang ay bumili na ng mga palamuti para sa susunod na Pasko.

Dito raw kasi nagsisimula ang bagsak-presyo ng mga gamit na may kinalaman sa Pasko. Masyado na raw late ang paghahanda kapag sinimulan ito sa "Ber" months.

Dapat din aniyang maging mapili sa mga pupuntahang reunion o kaya Christmas party para mas makatipid.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.