PatrolPH

TINGNAN: Wall mural art ng Panginoong Hesus sa Abra

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2021 04:35 PM

 

Isang wall mural ng mukha ng Panginoong Hesus ang ginawa ng isang artist sa San Narciso Church sa Bucay, Abra. 

Muling ipinamalas ng artist na si Bayan Patroller Midas Bayle Villanueva II ang kanyang talento sa pamamagitan ng naturang proyekto na natapos nitong Agosto. 

Gamit ang halos 30 piraso ng spray paint, tatlong araw ginuhit ni Villanueva ang sariling interpretasyon ng mukha ni Hesus sa nasabing simbahan.

Ayonkay Midas, nagpapasalamat siya sa simbahan sa pagpayag na makaguhit siya sa dingding nito.

“Naisip ko naman na mas mailapit sila sa Kaniya, kaya naisipan kong sa mismong simbahan na 'yong wall mural na gagawin ko para maka-alay na din ng panalangin at makita ang aking obra.”

—Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, i-Patrol Mo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.