ALAMIN: Ano ang layunin ng 'Bantay Edukasyon'

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2019 09:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa mahigit 2 dekada, marami nang naging proyekto ang Bantay Bata 163, kabilang ang Bantay Edukasyon na inilunsad noong 1998.

Misyon nito na matulungan at mabigyan ng educational assistance ang mga batang kinukupkop ng Bantay Bata.

Mahigit 6,000 na ang nabigyan ng scholarship ng programa at mahigit 1,000 ang naka-graduate sa iba't-ibang level.

"Isa po sa layunin ng Bantay Edukasyon ay mabago ang kalidad ng kanilang buhay at mabigyan sila ng oportunidad na magkaroon ng access to education," ani Jhoana Colecha, isang social worker.

Isa na sa nakinabang dito ang 19 anyos na si Erika Zamora, na 13 taon nang scholar ng Bantay Edukasyon.

Second year college na si Zamora na kumukuha ng kursong information technology.

Na-rescue naman ng barangay ang 14 anyos na si alyas "Joshua." Dinala siya sa Quezon City Social Service Development Department at nakatakdang ilipat sa Bantay Bata 163 Children's Village.

"Malaking tulong po kapag nakapag-aral po ako," ayon sa bata.

Libo-libo nang bata ang nabigyan ng scholarship ng Bantay Bata pero marami pa ring katulad ni Joshua na nangangailangan.

Sa mga nais tumulong sa pag-aaral ng mga kabataan, maaaring tumawag sa hotline ng Bantay Bata sa numerong 163.

Ang malilikom na pondo sa gaganaping ABS-CBN Ball ay mapupunta ring lahat sa Bantay Edukasyon.


—Ulat ni Jing Castañeda, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.