Libreng pag-aaral, uniform, at gamit, handog ng isang eskuwelahan para sa hearing-impaired

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2017 08:54 PM

Isang eskuwelahan sa Quezon City ang nagbibigay pag-asa ngayon sa mga estudyante na ipinanganak na walang pandinig.

Layunin ng paaaralang 'Talking Hands Preschool' na matuto ang mga bata na makabigkas ng mga salita at makipag-usap gamit ang sign language.

Libre ang matrikula sa eskuwelahan at walang bayad maging ang uniform at school supplies.

Binibigyan din ng training pati ang mga magulang para magabayan kung paano magpalaki ng anak na may kapansanan sa pagdinig.

Tatlong taon mag-aaral ang mga bata sa Talking Hands Preschool at matapos nito, puwede na silang pumasok sa mga special education centers o schools.

Itinatag ni Joseph McGourn, isang Amerikanong hearing-impaired din, ang eskuwelahan at sinusuportahan ito ngayon ng mga grupo gaya ng Mission Ministries Philippines. -- Ulat ni Migs Bustos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.