RECIPE: Boneless pata tim

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2019 11:32 AM | Updated as of Sep 05 2019 11:45 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sikat sa mga handaan ang pata tim, isang Pinoy dish kung saan pinakukuluan ang pata sa toyo at iba pang mga sangkap. 

Pero kung nais mong mapadali ang pagkain nito, maaari mo itong gawing boneless.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang guest kusinero na si Junar Banaynal para ibahagi kung paano gawing boneless ang pata tim. 

Narito ang mga sangkap: 

  • Pata
  • Toyo
  • Asukal
  • Star anise
  • Corn starch
  • Tubig
  • Asin
  • Paminta
  • Side veggies
  • Young corn 
  • Petchay baguio 
  • Dahon ng sibuyas

Paraan ng pagluluto: 

Idebone ang pata, timplahan ng asin at paminta.

Tahiin ang dulo ng pata at balutin ng aluminum foil.

I-steam ang pata ng 1 1/2 oras o hanggang sa lumambot ito.

Igisa ang mga gulay at itabi.

Ilagay sa kawali ang pata at ihanda ang sauce.

Pakuluan ang pata sa loob ng 2-3 minuto sa katamtamang apoy.

Maaari nang hanguin ang pata at ihain. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.