PatrolPH

Kuwento ng ama sa stretcher, anak na ikinasal, tampok sa ‘ASAP TLC’

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2018 04:37 PM

Watch more on iWantTFC

Karaniwang pangarap sa mga kababaihan na ihatid sila ng tatay nila sa altar kapag dumating ang panahong ikakasal na sila. 

Isa rito si Charlotte Villarin na ikakasal kay Mark Cordova sa Disyembre.

Pero nagbago ang plano sa hiling ng tatay ni Villarin na si Pedro "Papu" Villarin: agahan daw sana ang kasal para maihatid niya ang anak sa altar bago siya pumanaw sa kanser. 

Pumayag sina Villarin at Cordova na dinggin ang hiling ni Pedro dahil oras ang kalaban nila. Isang buwan ang ang ginugol nila para makapaghanda sa kasal. 

Ayaw sana nilang ikasal nang may sakit si Pedro, pero tinuloy pa rin ang kasal. 

“Knowing na tinitiis na ni Papu yung pain for the past few months talagang pinush namin,” kuwento ni Villarin. 

Bumaha ng emosyon sa kasalan nitong Agosto 19: nakaratay na sa isang stretcher ng ospital si Villarin habang hinahatid ang anak sa altar. 

 

Gayumpaman, mas mahirap daw ang pagpanaw ni Pedro tatlong araw matapos ang kasal. 

“Noong nagpaalam siya mas mahirap pa pala,” ani Villarin. 

Inihandog ng mga singers na sina Daryl Ong at Richard Poon ang awiting "Nothing Can Stop Us Now" ni Rick Price para sa mag-asawa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.