Dahil "ber" months na, may mga Pinoy nang naghahanda para sa paparating na Pasko.
Nagsimula na rin ngayong Miyerkoles ang pamimili ng mga Christmas decoration sa Dapitan Market, Quezon City.
Ayon sa ilang mamimiling nakapanayam ng ABS-CBN News, mabuti nang mauna silang mamili kaysa maabutan ng siksikan.
"Mas mura kasi sa ngayon. Baka sa susunod na mga buwan ay magmamahal na po siya," sabi ni Loreto Gonzales.
"Para makamura. Kasi sa hirap ng buhay, kailangan mo 'yong mas makakatipid ka," sabi naman ni Bing Joven.
Narito ang presyo ng mga Christmas decoration sa market:
Christmas tree
- 5 feet - P2,000
- 6 feet - P3,500
- 7 feet - P4,500
- 8 feet - P6,000
Christmas lights
- 100 lights - P150
- 1,000 lights - P2,500
Capiz parol
- 20" - P1,500
- 24" - P2,000
- 30" - P3,000
Naglalaro naman sa P50 hanggang P4,500 ang mga Santa Claus figurine, depende sa laki.
Mabibili naman ang mga belen sa halagang P600 hanggang P10,000. Mayroon ding life-sized belen sa halagang P80,000.
Umaasa naman ang mga nagtitinda ng Christmas decoration na makakabwi sila sa kita ngayong taon sa gitna ng pandemya.
Bukas ang tiyangge sa Dapitan mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi o hanggang may namimili pa.
Mahigpit naman ang paalala ng lokal na pamahalaan na sumunod sa health and safety protocol para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
— Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.