Charity fundraising ng pioneering Filipino women’s group sa UK, tagumpay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

Charity fundraising ng pioneering Filipino women’s group sa UK, tagumpay

Charity fundraising ng pioneering Filipino women’s group sa UK, tagumpay

Ernie Delgado | TFC News United Kingdom

 | 

Updated Sep 03, 2023 12:10 AM PHT

Clipboard

LONDON - Siksik sa kasiyahan tampok ang Pinoy culture at fashion show sa fundraising event para sa ika-35 anibersaryo ng Filipino Women’s Association (FWA) sa United Kingdom nitong Hunyo.

Nagpabilib ang Lahing Kayumanggi Dance Group sa mga katutubong sayaw at patok din sa manonood ang special performances ni Annan Murrai, Annie Leyva and band.

1
Ernie Delgado

“On behalf of Ambassador Teodoro Locsin, Jr., we congratulate the FWA UK in reaching this remarkable milestone of 35 years of existence of serving the community and empowering women,” Consul General Rhenita Rodriguez, PH Embassy-UK.

2
Ernie Delgado

Inabangan din ang fashion show ng social enterprise brand Pampinay, kung saan ibinida ang fashion collection na “Dilag” ng designers na sina Pamela Gutangco at Christian Belaro.

ADVERTISEMENT

Rumampa rito ang ilang negosyanteng Pinoy sa London tulad ni Rowena Romulo, Omar Shah, ilang FilCom leaders tulad ni Raquel Scrivens,Luigi Crespo at marami pang iba.

3
Ernie Delgado

“We are delighted and honoured to be invited. It is priceless to show our collection and also be able to help in whatever projects they have in the UK, and also for small communities in the Philippines,” Pamela Gotangco, Pampinay Designer.

“Sa mga Filipino worldwide, support the "Dilag'" collection, it will be fun if you wear it and flaunt it” sabi ni Christian Belaro, Pampinay Graphic Designer.

12
Ernie Delgado

Ang pondong nalikom sa fundraising at auction ay para sa suportahan ang 15 iskolar ng FWA sa Pilipinas. Nagbahagi rin ng donasyon ang PamPinay mula sa mga damit na nabili sa fashion show para suportahan ang proyekto ng FWA UK.

Pampinay
Ernie Delgado

Ayon sa FWA chairman na si Dulia Prado, kaabilang sa kanilang natulungan ay aabot sa higit 180 scholars sa Pilipinas, bukod pa sa charitable work sa UK para sa mga matatanda. Layon nilang magsilbi sa komunidad sa mas mahaba pang panahon sa tulong at suporta ng mga kababayan sa UK.

23
Ernie Delgado

“Our money goes to the underprivileged in the Philippines for their education. For over 35 years we already have 180 scholars. We also support the elderly in the UK, make them a little bit happy. In the Philippines, we give every year when we have a disaster like a typhoon and volcanic eruption,” sabi ni Dulia Prado, FWA chairperson.

22
Ernie Delgado

Ang FWA ay pioneering women’s group sa UK na kilala sa kawanggawa at tumutulong sa mga nangangailangan sa UK at maging sa Pilipinas.

Naging host ng matagumpay na event si ABS-CBN Europe and Middle East Bureau Chief Rose Eclarinal.

23
Ernie Delgado

(Kasama ang ulat Portia Delgado)

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.