Patricia Javier, sasabak sa Mrs. Universe pageant

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2018 12:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isa si Patricia Javier sa mga kandidata para sa paparating na Mrs. Universe pageant.

Nitong Miyerkoles, bumisita si Patricia at mga iba pang kandidata sa "Umagang Kay Ganda."

"Here, hindi lang pinaglalabanan 'yung beauty and sexy, it's more of advocacy. Ako it's more on health and wellness," paliwanag ni Patricia.

Kasama rin sa bumisita sa programa si Marilou Tolico-Villanueva, ang Mrs. Universe-Philippines 2017. 
 
Sa unang pagkakataon, ang Pilipinas ang magho-host ng Mrs. Universe. Magaganap ang coronation night nito sa Setyembre 8 sa Resorts World Manila.