PatrolPH

Magkasintahan sa Davao City, ikinasal sa ospital

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2018 05:00 PM

DAVAO CITY - Hindi naging hadlang ang kalagayan ng isang babae para maituloy ang pagpapakasal niya sa kaniyang kasintahan.

Hindi tulad ng mga karaniwang kasalan, sa loob ng isang kuwarto sa ospital nagpalitan ng sumpaan sa isa't isa ang magkasintahang sina Maria Rechie Ramos at Alexander Idul noong Linggo.

 

Dalawang buwan nang nasa ospital ang 35-anyos na si Rechie matapos ma-diagnose na may ovarian cancer noong Disyembre. 

Sa ngayon, stage 3B na ang kondisyon nito.

Pitong taon nang magkasintahan sina Rechie at Alexander at nangakong magpapakasal anuman ang mangyari.

"Lisod kaayo... kay ang oras naga dagan, naga hadlok naga hadlok. Unsaon nalang nako, kung unsay mahitabo sa iyaha," ani Alexander.

(Ang hirap. Kasi tumatakbo ang oras, nakakatakot. Anong gagawin ko kung may mangyari sa kanya.)

Sa kabila ng pagsubok, nananatiling matatag ang mag-asawa para sa kanilang dalawang anak. Malaki ang paniniwala nila sa Diyos na malalapagsan nila ang kinakaharap na pag-subok.

"Walay imposible sa Diyos. Basta kung mulaban ka, mulaban pud ko mi ha. Lab kaayo tika.. kaya nato ni,” mensahe ni Alexander sa asawa.

(Walang impossible sa Diyos. Kung lalaban ka, lalaban rin ako. Mahal kita. Kaya natin to.)

Pinatunayan ng mag-asawang Idul na walang sakit o anuman ang makakapigil sa wagas ng pagmamahalan.

Panawagan ngayon ng pamilya na sanay matulungan sila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.