PatrolPH

TINGNAN: Mga inaning talong, ibina-barter kapalit ng school supplies

Grace Alba, ABS- CBN News

Posted at Aug 28 2020 12:40 AM | Updated as of Aug 28 2020 12:42 AM

TINGNAN: Mga inaning talong, ibina-barter kapalit ng school supplies 1
TINGNAN: Mga inaning talong, ibina-barter kapalit ng school supplies 2
TINGNAN: Mga inaning talong, ibina-barter kapalit ng school supplies 3

Isang organisasiyon ng mga magsasaka sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte ang nagbabarter ng kanilang naaning talong para sa school supplies. Kuha ni Crisner Lagazo

PASUQUIN, Ilocos Norte - May kakaibang diskarte ang lider ng isang young farmers’ organization sa bayang ito para matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang mga pangangailangan ngayong pandemiya.

Ayon kay Crisner Lagazo ng Barangay Sulbec, ang mga naaani nilang talong mula sa kanilang taniman sa barangay ay ibina-barter nila online kapalit ng mga school supply.

“Nakapagtanim na kami ng 500 square meters na talong, na kung saan umaani na kami ng 15 kilos sa isang linggo, at isang kilo ng talong ay ipinagpapalit namin sa iba’t-ibang klase ng school supplies, depende kung ano ang ibibigay nila," ani Lagazo.

Ang mga nakolektang school supplies ay ipapamahagi sa mga mag-aaral sa lalawigan katuwang ang ilan pang organisasiyon.

Nagsimula ang proyekto noong Hulyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.