TIPS: Iba't ibang home remedies gamit ang asin

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2019 12:02 PM | Updated as of Aug 28 2019 12:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Hindi lang pampaalat ng pagkain ang asin.

Maraming pakinabang ang asin, partikular na sa paglilinis, pagluluto, at panggamot.

Ibinahagi ng chemist na si Erick Christian Gonzales ang iba pang gamit sa asin.

Panlinis ng chopping board

• Banlawin ang chopping board
• Budburan ng asin ang chopping board
• Kuskusin ang chopping board gamit ang kalamansi

Paliwanag ni Gonzales, may sangkap ang asin na humihigop ng tubig na pumapasok sa chopping board habang hinuhugasan ito.

Bawas-pait sa kape

• Lagyan ng isang pisil ng asin ang kape

Pampatay ng apoy-mantika

• Sabuyan ng asin ang apoy

Maaari ring isaboy ang asin sa apoy para patayin ang nagliliyab na mantika sa kawali

"Hindi na puwedeng gamitin ang water kasi tatalamsik ang apoy, lalakas," ani Gonzales.

Pangmumog

• Maglagay ng 1/4 kutsaritang asin sa isang basong tubig

Paliwanag ni Gonzales, may anti-bacterial property ang asin na lumilinis sa lalamunan.

Pampabilis ng kulo ng tubig

Paliwanag ni Gonzales, tumataas ang boiling point ng tubig kapag nilagyan ito ng asin.

"Bale ang tawag po diyan boiling point elevation na kung saan kapag naglagay po tayo ng asin sa tubig, tataas ang boiling point ng tubig," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.