RECIPE: Bacon Bagnet

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2019 10:26 AM | Updated as of Aug 28 2019 10:39 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sikat sa Ilocos Norte ang deep-fried pork dish na bagnet. 

Para lagyan ng twist, maaari mong panipisin ang tapyas sa karne at gawin itong "bacon bagnet" kung gusto ng kakaibang almusal.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinero na si Lyndon Augustus Ramos para ibahagi kung paano magluto ng bacon bagnet

Narito ang mga sangkap: 

Para sa karne
• Karneng baboy
• Tubig
• Asin
• Mantika

Para sa sawsawan 
• Kamatis
• Bagoong isda
• Sibuyas

Paraan ng pagluluto 

Para sa karne
Sa isang kaserola, pakuluan ang karne ng baboy sa loob ng 1 oras na may mahinang apoy. Hanguin at palamigin.

Kapag malamig na, pahiran ng asin ang karne ng baboy. Itabi.

Sa hiwalay na kaserola, iprito ang baboy hanggang mag-golden brown at maluto ito. Hanguin at itabi.

Palamigin saka hiwain nang maninipis ang baboy. 

Iprito ulit sa loob ng 20 minuto.

Para sa sawsawan 

Sa isang bowl, paghaluin ang kamatis, bagoong at sibuyas.

Maaari nang ihanda ang bacon bagnet. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.