TINGNAN: Mga face mask, face shield na disenyong katutubo para sa Buwan ng Wika

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2020 03:06 AM

Ilang guro ng isang pribadong eskwelahan sa Solano, Nueva Vizcaya ang napamalas ng kanilang pagkamalikhain sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong Agosto.

Bukod sa suot nilang katutubong damit, naging accessory ng mga guro ng St. Louis School ang mga facemask at face shield na dinekorasyunan ng beads at iba pang palamuti.

 

Ayon sa organizer, ang patimpalak ay paraan nila ito upang bigyang kulay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon. 

Layon din nilang isulong ang kaalaman sa wastong paggamit ng personal protective equipment para maging ligtas sa COVID-19.

Paparangalan naman ang mga mananalo na pipiliin ng mga netizen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.