PatrolPH

'ASAP TLC': Mag-asawa, nagsimula ang pagmamahalan sa polvoron

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2018 05:07 PM

Watch more on iWantTFC

Hindi inakala ni Sharon Paredes na mahahanap niya ang pagmamahal sa pagbebenta niya ng polvoron. 

Ibinahagi ng mag-asawang Alvin at Sharon Paredes ang kanilang kuwento sa "TLC" segment ng "ASAP" nitong Linggo. 

Nakakahiligan ni Sharon noong kolehiyo na magbenta ng kung ano-anong bagay. 

Nang alukin si Alvin ng polvoron, kumuha lang ito nang kumuha pero may bayad pala ang polvoron na binigay sa kaniya. 

"Akala ko libre, 'yun pala may bayad," ani Alvin. 

Gustong magtapat ni Alvin ng pagmamahal kay Sharon, kaya nanligaw siya, pero kalaunan, nagkaroon ng lamig. 

"Typical, flowers, chocolates, hinahatid hanggang bahay, akala ko special na ako pero 'yun pala gusto nila makatipid sa pamasahe," ani Alvin. 

Hanggang sa sinagot na ni Sharon ang alok ni Alvin noong nagbakasyon sila noong 2006, at nagtagal nang tuluyan ang kanilang relasyon. 

Minsan nang sinubok ang kanilang pag-ibig nang magkaroon si Sharon ng lupus noong 2017, kung saan inaatake ng immune system ang mga malulusog na cells at tissue.

Hindi ito naging hadlang para kay Alvin at araw-araw siyang pumupuntang ospital para mabisita lang si Sharon. 

"She was hospitalized for two months. Every day naandoon ako," ani Alvin. 

Noong taong iyon, nag-propose si Alvin sa kaniya, at ikinasal sila Abril nitong 2018. 

"Sa tagal namin for almost 12 years, gusto niya ko pakasalan inspite of my condition," ani Sharon. 

"Lahat ng pagmamahalan hindi lagi masaya, hindi lagi malungkot, lahat 'yan malalagpasan," dagdag niya. 

Inalay nina Daryl Ong, Angeline Quinto, at Ice Seguerra ang kantang "Hindi Kita Iiwan" ni Sam Milby para sa dalawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.