PatrolPH

PANOORIN: Hug in the air ng mag-amang magkalayo dahil sa home quarantine

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2021 03:05 PM

Video mula kay Raica Zia Guansing.

MAYNILA— Naantig ang mga netizens sa video ng isang 2 anyos na batang nais mayakap ang amang naka-home quarantine kamakailan.

Sa kuhang video ni Bayan Patroller Raica Zia Guansing mula sa San Ildefonso, Bulacan, makikita ang tagpo kung saan sumisigaw ng "hug" ang anak na si Zach matapos makita ang kanyang ama na nakasilip sa bintana ng kalapit na bahay noong Hulyo 30.

Kwento ni Raica, kinailangan sumailalim sa home quarantine ang asawang piloto na si Rob kahit walang nararamdamang sintomas dahil may isang pasaherong nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang flight.

Kahit masakit na makitang miss na miss na siya ng kanilang unico hijo, walang nagawa si Rob kundi ang tingnan mula sa malayo ang anak.

—Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, i-Patrol Mo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.