PatrolPH

Heart Evangelista, planong dalhin ang alagang Aspin sa Paris

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2018 07:59 PM | Updated as of Aug 23 2018 08:28 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista-Escudero na nasa plano na niya ang isama ang Aspin dog na si Panda sa kanyang susunod na out of the country trip. 

Kuwento ni Heart sa naging panayam sa kanya ng entertainment press para sa kanyang bagong adbokasiya sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), in the works na raw ang papeles ni Panda.

“I’m working on Panda’s paper, pupunta siya ng Paris, so para makita nila na ‘di ba aspin in Paris,” sabi pa ng aktres nitong Huwebes.

Kuwento ni Heart, pangarap niya na kuhanan ng larawan si Panda sa sikat na pasyalan na Eiffel Tower.

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

“Hopefully one day kahit na matanda na siya pupunta talaga siya doon para ma-experience niya,” pahayag pa ni Heart.

Isa ang aktres sa mga showbiz personality na kilalang advocate katuwang ng PAWS.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.