PatrolPH

'Pink house' agaw pansin sa Legazpi City

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2020 03:32 AM

'Pink house' agaw pansin sa Legazpi City 1
'Pink house' agaw pansin sa Legazpi City 2
'Pink house' agaw pansin sa Legazpi City 3
'Pink house' agaw pansin sa Legazpi City 4
'Pink house' agaw pansin sa Legazpi City 5

Agaw-pansin ang isang bahay sa tabi ng kalsada sa Barangay Bonga, Legazpi City. Maliban kasi sa kulay pink na pintura ng bahay, matatanaw din ang iba pang gamit na pink. Karren Canon, ABS-CBN News

Maliban din sa mga bisikleta, motorsiklo at sasakyan, kulay pink din ang mga pananim maging ang mga lalagyan nito. Pink din ang mga helmet na nakalagay sa garahe.

Kahit ang mga sapatos sa labas ng main door, kulay pink.

Pagmamay-ari ng pamilya Abellano ang bahay. Sa pagpasok ng ABS-CBN News sa kanilang tirahan, kita pa rin ang pink simula sa sala, kusina maging sa mga personal na gamit ng mga ito gaya ng mga damit.

Ayon sa padre de pamilya na si Mike, 7 taon na ang nakakaraan nang magdesisyon siyang papinturahan ng pink ang kanilang bahay at bumili ng mga gamit na kulay pink.

Simula kasi nang isilang ang kanilang unang anak at sinabing pink ang paboritong kulay, ito na rin ang naging paboritong kulay niya.

"Seympre 1st baby ko yun eh, kaya nung sinabi niyang pink yung favorite color niya, yun na din ang inspirasyon ko para mangibabaw ang pink sa bahay. May mga nagsasabi nga na bakit pink ang hilig ko at siyempre yung iba mapagkakamalan akong ano," aniya.

Nakaugalian na din ng pamilya na pink ang suot sa araw-araw.

Kasiyahan at mas pinalakas na pagsasama ng pamilya ang dulot ng kulay na pink sa pamilya Abellano na ayon sakanila mananatiling forever tulad ng pagmamahal at pagpapahalaga nila sa pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.