JB Saliba, kumpiyansa sa tagumpay ng Pilipinas sa Mr. World 2019

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 07:10 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JB Saliba (@jbsaliba) on

MANILA -- Handang-handa na ang pambato ng Pilipinas na si Jody Baines "JB" Saliba para sa kanyang nalalapit na laban sa Mr. World pageant dito sa Pilpinas.

Ayon sa 26 anyos na modelo, naniniwala siyang masusungkit niya ang titulo bilang unang Pinoy na Mr. World sa tulong ng dasal at buong suporta ng kanyang mga kababayan.

"Wala namang pressure doon kasi I know the Filipino community is right behind my back para tulungan ako dito sa journey ko sa Mr. World," aniya.

Bukod sa inaasam na tagumpay, nakikita rin ni JB na magandang pagkakataon ito sa Pilipino na magkaroon ng panibagong pagtingin sa mga male pageant.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JB Saliba (@jbsaliba) on

"We all know that here in the Philippines, ang male pageants ay tinitingnan nila in a different way. So I'm glad na Mr. World is andito sa atin ngayon so Filipinos can see na there's actually prestige in male pageants," paliwanag niya.

Nais din na maging halimbawa ni JB sa mga kalalakihan na naghahangad na sumabak sa male pageant ngunit nahihiya dahil sa mga stereotype ng ibang Pilipino.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mr World (@mrworld.official) on

Isa si JB sa 72 kalalakihan na maglalaban-laban para sa ipapasang titulo ng Mr. World ni Rohit Khandelwal ng India.

Baon ang kanyang adbokasiya sa sports education, umaasa ang pambato ng Pilipinas sa magiging tagumpay sa Mr. World 2019 na gaganapin ngayong Agosto 23 sa Smart-Araneta Coliseum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.