'Ayaw maghintay': Bakit likas sa ilang Pinoy ang 'Filipino time'

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 06:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Kung tanyag ang mga Pinoy sa magagandang tradisyon, kilala rin ang mga ito sa ilang negatibong kaugalian tulad na lang ng "Filipino time."

Ayon kay Ayen Garcia, chairperson ng Project W.A.T.C.H (We Advocate Time Consciousness and Honesty), ang Filipino time ay kaugalian ng mga Pilipino na intaying magsimula ang okasyon bago pumunta.

"Pag sinabi nila na ang call time ay 2 o'clock... ayaw mo mag-antay [so sasabihin mo] hindi pa naman ako isasalang o hindi pa naman ako ang magmi-meeting o wala pa naman iyung mga kasama ko," ani Garcia sa programang "Sakto" ng DZMM.

Paalala ni Garcia, hindi ito dapat kinukunsinte.

"Kailangan natin baguhin 'yung culture na hindi dapat tayong nag-aantay kasi ang sinasabi namin, ang oras ay ninanakaw din," ani Garcia.

Mas nakakagaan din aniya sa pakiramdam ang pagiging on-time dahil naiiwasan ang pagiging ngarag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.