PatrolPH

Inmates sa Ilocos Norte sumabak sa mga 'laro ng lahi'

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2020 01:15 AM

Inmates sa Ilocos Norte sumabak sa mga 'laro ng lahi' 1
Inmates sa Ilocos Norte sumabak sa mga 'laro ng lahi' 2
Inmates sa Ilocos Norte sumabak sa mga 'laro ng lahi' 3

Kuha ng Laoag City Jail at Batac City Jail

Kuha ng Laoag City Jail at Batac City Jail

Kuha ng Laoag City Jail at Batac City Jail

Habang naghahanda ang iba't ibang parte ng Pilipinas sa pagdiriwang ng selebrasyon ng "Buwan ng Wika" nitong Agosto, sumabak sa mga tradisyunal na larong Pilipino ang ilang inmates o persons deprived of liberty (PDL) sa Ilocos Norte.

Ang mga PDL ng Batac City Jail ay lumahok sa karera ng gulong at luksong baka.

Ayon kay Mary Ann Cabanatan, community service relations officer ng nasabing kulungan, bahagi ito ng kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

"Ito ay taunang isinasagawa ng Batac District Jail upang patuloy na isadiwa ang kahalagahan ng ating sariling wika. Ito rin po ay nagpapaala sa ating mga Pilipino gaya ng ating mga kapatid na paigtingin ang paggamit ng wikang Filipino sa iba't-ibang larangan upang maging mas buhay at makulay ang ating wikang pambansa," ani Cabanatan.

Naglaro din ng mga tradisyunal na laro ang mga PDL ng Laoag City Jail tulad ng patintero, tumbang preso, kadang-kadang, at tug of war.

Bukod sa mga laro ng lahi, nagtagisan din ng galing sa pag-awit ng mga kantang Pilipino ang mga PDL. Nagtagisan din sila ng pagbigkas ng isinulat nilang tula.

Paraan din nila ito para maiwasan ang pagkabagot ng mga PDL ngayong may pandemiya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.