PatrolPH

RECIPE: Beef cocido na paborito ni dating Pangulong Manuel L. Quezon

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2021 01:50 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA— Sinasabing paboritong ulam ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang Beef Cocido, isang Spanish dish na may mga pinalambot na karne at mga gulay. 

Dahil kaaraawan niya ngayong Agosto 19, ibinahagi sa programang "Sakto" ang recipe ng kaniyang paboritong beef cocido.

Mga sangkap

  • 500 grams beef
  • 6 cups ng tubig 
  • bawang
  • 1 cup patatas
  • 1 cup carrots
  • 4 tbsp patis 
  • whole peppercorns
  • sitaw
  • pechay 
  • repolyo

Paraan ng pagluluto: 
1. Ilagay ang karne
2. Lagyan ng bawang
3. Lagyan ng tubig 
4. Simmer nang 2 oras hanggang sa lumambot ang karne.
5. Ilagay ang mga patatas, carrot, patis, at peppercorn. Ihalo nang mabuti. 
6. I-simmer nang hanggang 10-15 minuto o hanggang lumambot ang mga sangkap. 
7. Ilagay ang sitaw, pechay, at repolyo. Hayaang lumambot ang gulay. 
8. Maaari nang ihanda ang beef cocido. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.