PatrolPH

Bukod sa sapatos, Gerald Anderson ipinasilip ang koleksyon ng Iron Man sa closet tour

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2021 08:06 PM | Updated as of Aug 19 2021 12:31 PM

Ipinasilip ni Gerald Anderson sa vlog ang kaniyang walk-in closet
Ipinasilip ni Gerald Anderson sa vlog ang kaniyang walk-in closet

Kagaya ng ibang mga vlogger sa bansa, gumawa na rin ng kaniyang sariling closet tour vlog ang aktor na si Gerald Anderson kung saan ipinasilip nito ang koleksyon ng mga sapatos at iba pang collectible items.

Sa kalalabas lamang na content sa kaniyang YouTube channel, ipinakita ni Anderson sa kaniyang mga subscribers ang laman ng kaniyang walk-in closet na napuno na ng mga sapatos. 

Ayon sa aktor, mahilig talaga siya sa mga sapatos kaya naman halos wala nang espasyong natitira sa kaniyang closet.

Watch more News on iWantTFC

Nagdagdag na aniya sila ng mga shoe rack upang may mapaglagyan ang ilan pa nitong sapatos habang ang iba ay nasa kahon na lamang.

Isa sa highlight ng tour ni Anderson ay ang koleksyon niya ng mga Iron Man items kagaya na lamang ng dalawang maleta na halaw sa American superhero. 

Nakatago rin sa kaniyang damitan ang ilan sa mga nasuot niya sa malalaking events kagaya ng Star Magic Ball. 

Nasa walk-in closet din niya ang ilang tropeyo na napanalunan sa mga nakalipas na Star Magic Games. 

Related videos:

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.