'Yes palagi': Bakit hirap sa 'pagtanggi' ang maraming Pilipino?

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2019 02:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Likas sa mga Pinoy ang umoo na lang sa kung ano mang pang-aanyaya ng kaibigan o pamilya, kahit pa ang aktibidad ay malayo sa kanilang prayoridad. 

Ayon kay JB Borromeo, isang corporate trainer, maaaring dahil ito sa pagiging "hospitable" ng mga Pilipino kaya sila nahihirapang tumanggi.

Iniiwasan din daw ng mga Pinoy na "masaktan" ang nag-imbita. 

"Iyung requests ng ating mga kasama is we always tend to say yes kasi ang una nating iniisip is masasaktan sila," ani Borromeo. 

Maaari rin daw may epekto ang pagpapalaki ng magulang sa ugaling ganito. 

"So subconsciously, na-program sa atin na iyong 'no' na masakit, kapag nakaka-receive tayo ng 'no' sa ating parents nalulungkot tayo, so eventually ayaw nating gawin iyon sa ibang tao," paliwanag ni Borromeo.

Pero paalala ni Borromeo, dapat pag-isipang maigi kung dapat umoo sa imbitasyon at kung makakabuti ba ito sa sarili.

"Akala natin kasi at first hindi natin maiintindihan that's why parang naiisip natin na masasaktan sila. Pero kapag in-explain mo 'yung context, maiintindihan naman nila," ani Borromeo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.