Kampanya para sa pagdarasal ng 10 Hail Mary araw-araw kontra COVID-19 simula na Sabado

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2020 09:05 AM

Ang imahen ng Our Lady of Fatima sa Fatima shrine, Portugal, May 13, 2019. Patricia De Melo Moreira, AFP/File

MAYNILA - Magsisimula ngayong Sabado ang kampanya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa isang buwan nang sabayang pagdarasal sa gitna ng pandemya.

Hiling ng CBCP na bawat tanghali simula Agosto 15 hanggang Setyembre 15, magdasal ng 10 Hail Mary ang mga Pilipinong Katoliko kahit saan man sila naroroon.

Ito'y dasal para sa bansa na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa mga obispo, malubha na ang epekto ng sakit sa bansa, marami na ang namamatay, milyon na ang nawalan ng trabaho, at bumaba nang husto ang ekonomiya ng Pilipinas.

Kailangan na anila na magdasal bilang isang bansa para hindi mawalan ng pag-asa ang mga Pinoy sa gitna ng napakabigat na problema.

Nagpahayag ng pakikiisa ang ilang mga parokya at diocese sa bansa sa gagawing pagdarasal.