TINGNAN: Daan-daang lechon, bida sa piyesta sa Zamboanga del Sur

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2019 11:41 AM

Bumida ang 450 lechon baboy sa Lechon Festival sa bayan ng Aurora sa lalawigan ng Zamboanga del Sur. Larawan mula sa Philippine Information Office

AURORA, Zamboanga del Sur – Nasa 450 lechon na may iba’t ibang sukat ang inilatag sa 6 na mahahabang mesa sa loob ng gymnasium sa nasabing bayan para sa taunang Lechon Festival.

Ayon sa Aurora Integrated Multi-Purpose (AIM) Cooperative, walong taon na nilang ginagawa ito upang mas maengganyo pa ang kanilang mga miyembro sa pag-aalaga ng baboy at para na rin makatulong sa swine industry ng bansa.

“Parang trademark na ito ng coop namin na every celebration we started with a very remarkable event,” pahayag ni Pacenciano Tomarong, chief executive officer ng AIM Cooperative.

Pinangunahan ng AIM Cooperative ang festival ng mga lechon na mula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang may pinakamasarap na lechon na niluto ay napunta sa mga taga-Mindanao.

Agad namang pinagsaluhan ng mga empleyado, mga miyembro, at mga residente ang masarap na mga lechon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.